TV

WATCH: Megan Young, maglo-launch ng sariling makeup brand

 

Matutupad na ang pangarap ni Mayumi (Megan Young) na magtayo ng sariling makeup brand. Siya mismo ang utak sa likod ng Mutya Clay na may slogan na “Organic beauty with a heart, gandang natural na may puso.”

Sobrang affordable at very effective on all skin types ang mga beauty products ng Mutya Clay. Patok daw sa target market at trending pa sa social media ang kanilang mga produkto.

Hindi pa opisyal na inilulunsad ang brand pero malakas na ang demand sa pre-selling phase. Matatalbog kaya ni Mayumi ang Coco Bella ni Isabelle (Katrina Halili) sa madaling panahon? Alamin bukas sa The Stepdaughters!