TV

WATCH: Megan Young, sinampal ng putik sa mukha si Katrina Halili!

By Bea Rodriguez

 

Lalaban at handa nang pabagsakin ni Mayumi (Megan Young) si Isabelle (Katrina Halili).

Sa kagustuhan ni Isabelle na malaman kung sino ang may-ari ng Mutya Clay, ang bagong kakumpetensiya ng Coco Bella, nag-gate crash siya sa launching event ng bagong beauty brand.

‘Di ligtas si Isabelle sa pangungutya at pagpapahiya sa kanya ni Mayumi sa event. In-offeran ni Mayumi si Isabelle ng kanyang Mutya Clay pero itinapon ito ng kanyang stepsister sa lupa. Mabilis namang isinampal ni Mayumi ang putik sa mukha ni Isabelle.

Let the war of beauty brands begin sa hit GMA Afternoon Prime soap, The Stepdaughters.