TV

WATCH: Katrina Halili, sinusundan ng malas?

By Bea Rodriguez

Sunod-sunod na ang karma sa buhay ni Isabelle (Katrina Halili).

Unang-una ay ang pagsabotahe ni Isabelle sa Mutya Clay ni Mayumi (Megan Young). Itinakwil pa siya ng sariling ama dahil sa pagpapabundol kay Luisa (Glydel Mercado). Ngayon, ayaw nang ibenta ng biggest beauty distributor ang mga produkto ng Coco Bella.

Tuluyan na bang babagsak si Isabelle o may alas pa siya para makaahon? Alamin sa hit GMA Afternoon Prime soap na The Stepdaughters.