TV

WATCH: Samantha Lopez, papatayin si Glydel Mercado sa 'The Stepdaughters?'

 

Pinagtangkaan ni Daphne (Samantha Lopez) ang buhay ni Luisa (Glydel Mercado). Matagal nang gustong patayin ng desperadang babae ang asawa ni Hernan.

Makakaligtas pa ba sa mga kamay nina Daphne at Isabelle (Katrina Halili) ang babaeng baliw? O mabubuking na ni Mayumi (Megan Young) ang maduming laro ng kanyang mga kalaban?

Subaybayan ang hit GMA Afternoon Prime soap na The Stepdaughters tuwing hapon pagkatapos ng Contessa.