TV

WATCH: Samantha Lopez, nakulong!

By Bea Rodriguez


Nahuli sa akto si Daphne (Samantha Lopez) sa pagtatangka sa buhay ni Mayumi (Megan Young) na walang kamalay-malay na tinututukan na siya ng baril.

Desidido si Daphne na patayin ang stepsister ni Isabelle (Katrina Halili) ngunit biglang sumulpot si Francis (Mikael Daez) kaya napigilan niya ito. Tumakas si Daphne pero nahuli rin siya ng mga pulis.

Noong nagkamalay na si Mayumi, sinugod niya si Daphne sa kulungan at naroroon din si Isabelle. Mapatunayan kaya ni Mayumi na kasabwat ni Daphne si Isabelle?

Abangan ang mga matinding eksena sa The Stepdaughters pagkatapos ng Contessa.