TV

WATCH: Megan Young, sobrang nagpapasalamat sa mataas na ratings ng 'The Stepdaughters'

By Bea Rodriguez

Nagpapasalamat ang Kapuso leading lady na si Megan Young sa mga Kapuso viewers na patuloy na nanonood at sumusuporta sa kanyang pinagbibidahang hit GMA Afternoon Prime soap na The Stepdaughters.

Wagi araw-araw sa afternoon slot ang madramang serye nila ni Kapuso kontrabida Katrina Halili.

“Everyone from The Stepdaughters, sobrang saya namin kasi tuloy-tuloy na matataas ang ratings so nagpapasalamat din kami sa lahat ng patuloy na sumusubaybay sa programa namin,” saad ng magandang aktres sa Unang Hirit.

Bunyag pa ni Megan, “Maraming revelations ang mangyayari this week at saka next week.”

Malaman na kaya na si Isabelle ang mastermind sa pagkabaliw ni Luisa at sa aksidente ni Hernan? Alamin sa The Stepdaughters pagkatapos ng Contessa.