TV

WATCH: Megan Young, nakasaksi ng krimen

By Bea Rodriguez


Binaril sa harap ni Mayumi (Megan Young) ang trusted friend at business partner ng kanyang stepfather na si Joel (Froilan Sales).

Sinusumbong ni Joel kay Mayumi na hini-hypnotize ni Isabelle (Katrina Halili) ang kanyang ina para magalit ito sa kanya.

Nais pa sanang ibunyag ni Joel ang kasamaan ni Isabelle sa mag-ina ngunit saktong itinumba siya ng hitman.

May pag-asa pa bang malaman ni Mayumi ang katotohanan? Alamin sa high-rating GMA Afternoon Prime soap na The Stepdaughters pagkatapos ng Contessa.