TV

WATCH: Megan Young at Glydel Mercado, pinagbantaan ni Katrina Halili

By Bea Rodriguez

Patay ang mga taong sumasagasa sa kalayaan at kayamanan ng mga Salvador, ayon kay Isabelle (Katrina Halili). Sila lang ng kanyang Papa Hernan (Gary Estrada) ang dapat makinabang sa pinundar ng kanilang pamilya.

Dahil napunta kay Luisa (Glydel Mercado) ang 70% ng pagmamay-ari ni Hernan, hindi makakapayag si Isabelle. Tinawagan niya ang kanyang hitman na si Jigs para ipapatay si Luisa, pati ang kanyang anak na si Mayumi (Megan Young).

Tuloy pa kaya ang masayang bakasyon ng mag-ina? Tutukan ang mga pangyayari sa high-rating GMA Afternoon Prime soap na The Stepdaughters.