TV

EXCLUSIVE: Mikael Daez at Sef Cadayona, walang stunt double sa 'The Stepdaughters'

By Bea Rodriguez

 

 

Napag-alaman ng GMANetwork.com sa ekslusibong panayam sa The Stepdaughters stars na sina Mikael Daez at Sef Cadayona na sila mismo ang gumagawa ng kanilang mga stunts.

Babad sa suntukan at paminsan ay tinututukan pa ng baril ang kanilang mga karakter na sina Francis at Bryce sa hit GMA Afternoon Prime soap.

Paano kaya nila pinaghahandaan ang kanilang mga matitinding eksena?

“Well, first, rehearse [nang] paulit-ulit para ma-perfect ‘yung scene,” bahagi ni Sef.

Aminado si Mikael na minsan na siyang naakisidente sa taping, “Masaya mag-fight scenes pero ‘di maiiwasan na may matatamaan, madadapa [at] madadaplisan pero enjoy naman kaming lahat sa trabaho at kasama na ‘yun. Kailangan lang seryosohin ang rehearsals para maiwasan ang aksidente.”

Gayunpaman, mas gusto pa rin ng cast na walang stunt double para mas maraming mapulot na karanasan sa industriya.

Ani Sef, “But, ako, mas gusto ko ako pa rin ang gumagawa [ng stunts] para natututo.”

Marami pang mga matitinding eksena ang dapat abangan sa high-rating serye sa pagpasok ng karakter ni Grace (Joyce Ching). Tutukan tuwing hapon pagkatapos ng Contessa.