TV

EXCLUSIVE: Edgar Allan Guzman, bakit tinanggap ang kanyang role sa 'The Stepdaughters?'

By Bea Rodriguez

 

Offbeat ang ginagampanang role ni Kapuso actor Edgar Allan Guzman sa high-rating GMA Afternoon Prime soap na The Stepdaughters.

“[I’m] happy to be part of The Stepdaughters. Swerte lang ako na napunta ako sa top-rating show, and maraming sumusuporta at maraming nanunuod,” pauna niyang sinabi sa eklusibong panayam ng GMANetwork.com.

First time niya raw maging kontrabida kaya agad niyang tinanggap ang pagganap kay Froilan, ang kapatid ni Francis (Mikael Daez) na girlfriend si Mayumi (Megan Young) na mortal na kaaway ng kanyang among si Isabelle (Katrina Halili).

“Kaya ko siya tinanggap kasi ‘yung role is kontrabida so kakaiba so alam kong macha-challenge ako. Right now, I’m enjoying my role sa The Stepdaughters kasi parang nalalaro ko ‘yung karakter. Ngayon, medyo mabait na siya eh, ‘yung character ko, pero ine-enjoy ko pa rin,” dagdag niya sa panayam.

Ito ang pangalawang show ni EA sa Kapuso network pagkatapos niyang gampanan ang karakter ni Ryan Maalba sa high-rating GMA Telebabad series na My Korean Jagiya noong nakaraang taon.

Masaya ang dating Mr. Pogi sa kanyang pagbabalik Kapuso, “Winelcome ako nila with open arms na parang batang [na] you can come here anytime.”

Tuloy-tuloy na kaya ang pagbabago ni Froilan ng kanyang mga pagkakamali? Alamin sa The Stepdaughters!