TV

WATCH: Glydel Mercado, kinaladkad palabas ng bahay ang lumalandi sa kanyang asawa

By Bea Rodriguez

Wala ng natitirang awa si Luisa (Glydel Mercado) sa babaeng ahas na si Daphne (Samantha Lopez).

Binigyan niya ng pagkakataon para magbago ang kakampi ni Isabelle (Katrina Halili) pero hindi siya sang-ayon sa kondisyon ng maybahay ni Hernan (Gary Estrada) kaya sa kalsada ang kanyang bagsak.