advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: Cast ng 'The Stepdaughters,' rumampa sa media launch!

1 of 11

Papa Dudut

Ang Barangay LS 97.1 radio DJ ang nagpakilala sa Kapuso stars at ang mga produkto ng Coco Bella.

2 of 11

Allan Paule

Gagampanan ng batikang aktor si Mario dela Rosa, ang asawa ni Luisa at ama ni Mayumi. Makukuha niya ang jackpot sa lotto ngunit aatakihin siya sa puso.

3 of 11

Angelu de Leon

Nagbabalik sa GMA Afteroon Prime ang dating 'Buena Familia' star bilang si Brenda Salvador, ang kontrabidang asawa ni Hernan at ina ni Isabelle.

advertisement
4 of 11

Samantha Lopez

Ito ang showbiz comeback ni 'Eat Bulaga' Girl Gracia matapos ang halos dalawang dekada. Siya si Daphne Soriano, ang fierce tita ni Isabelle at executive assistant ni Hernan.

5 of 11

Gary Estrada

Si Hernan Salvador ang ama ni Isabelle na nagmamay-ari ng kumpanya na pagtatrabahuhan ni Mayumi dela Rosa. Mapapangasawa niya ang ina ni Mayumi na si Luisa.

6 of 11

Glydel Mercado

Si Luisa dela Rosa ang butihing ina ni Mayumi. Mahuhulog ang kanyang loob kay Hernan at magiging stepdaughter niya si Isabelle.

advertisement
7 of 11

Katrina Halili

Si Isabelle Salvador ang isa sa mga stepdaughters. Magiging kahati niya si Mayumi dela Rosa sa pamilya, karera, kayamanan at buhay pag-ibig.

8 of 11

Mikael Daez

Ang ex-boyfriend ni Isabelle na si Francis Almeda ay mafo-fall kay Mayumi. Pag-aagawan siya ng dalawang palaban na babae.

9 of 11

Megan Young

Lalabanan ni Mayumi dela Rosa si Isabelle, ang kanyang mortal na kaaway na magiging stepsister niya sa pag-iisang dibdib ng kanilang mga magulang.

advertisement
10 of 11

The Stepdaughters

Sino ang inyong mamahalin--si Mayumi o Isabelle?

11 of 11

Kapuso stars

Ito ang dramang aabangan ninyo tuwing hapon sa GMA Afternoon Prime. Mapapanood na ang 'The Stepdaughters' simula ngayong February 12.