TV

Vocalmyx, tinanghal na first-ever 'The Voice Generations' winner sa Pilipinas at sa Asya

By Jimboy Napoles

Nanalo bilang first-ever The Voice Generations winner sa Pilipinas at sa buong Asya ang grupo ng mga kabataang singers na Vocalmyx mula sa Cagayan De Oro.

Sila ang naging pambato ni Coach Stell para sa team Stellbound para sa grand finale ng nasabing singing competition ngayong gabi, December 10.

Nakatanggap ang Vocalmyx ng recording and management contract sa Universal Music Group Philippines, The Voice Generations trophy, at tumataginting na PhP1 million.

Nakalaban ng Vocalmyx ang iba pang grand finalists gaya ng trio na P3 mula sa Team Bilib ni Coach Billy Crawford, girl group mula sa Cebu na Sorority ng Parokya Ni Chito ni Coach Chito Miranda, at duo na Music and Me mula sa Bohol ng team Julesquad ni Coach Julie Anne San Jose. Makatatangap naman ng PhP100,000 ang nasabing non-winners.

Sa pagtatapos ng The Voice Generations, sinabi ng host nito na si Dingdong Dantes na dapat abangan ang pagbubukas ng bagong season nito sa 2024.

Ang The Voice Generations ay ang newest spin-off ng biggest singing competition sa mundo na The Voice mula sa ITV Studios.

Napanood ito for the first time hindi lamang sa Pilipinas kung 'di pati na rin sa buong Asya via GMA Network.