GMA Logo The Voice Kids on GMA
What's on TV

'The Voice Kids' to hold auditions in Cagayan De Oro on May 4

By Jimboy Napoles
Published April 30, 2024 2:50 PM PHT
Updated August 7, 2024 5:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

The Voice Kids on GMA


Kapuso kids, see you sa Cagayan De Oro!

Good news, mga Kapuso sa Cagayan De Oro!

Sa darating na Sabado, May 4, pupunta riyan ang The Voice Kids para magdaos ng isang grand audition at maghanap ng mga batang pinoy na mahusay umawit.

Gaganapin ang auditions sa Limketkai Luxe Hotel, Limketkai Drive, Cagayan de Oro simula 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Bukas ang auditions para sa mga kabataang edad 7 hanggang 14 taon. Para sa mga interesado, pinapayagan ang pagdadala ng minus one at musical instrument.

Bukod sa The Voice Kids, puwede ring mag-audition dito ang mga gustong sumali sa The Clash, at "Tanghalan ng Kampeon" ng TiktoClock.

Samantala, mas pinarami pa ang audition dates para sa The Voice Kids. Puwede pang mag-audition sa May 11, May 25, at June 8. Pumunta lamang sa Studio 6 ng GMA Network simula 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Ano pa ang hinihintay mo? Humanda nang iparinig ang iyong boses sa buong mundo. Malay mo, ikaw na pala ang tatanghaling young superstar ng The Voice Kids!

For more updates on The Voice Kids, visit GMANetwork.com.