GMA Logo The Voice Kids
What's on TV

'The Voice Kids' coaches at host, all set para kilalanin ang Pinoy young talents

By Jimboy Napoles
Published September 4, 2024 2:45 PM PHT
Updated September 4, 2024 2:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Decked in Santa hats and ribbons, Argentine golden retrievers chase world record
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

The Voice Kids


Maririnig na ang boses ng mga batang Pinoy sa 'The Voice Kids' simula sa September 15 sa GMA.

Sa isang media conference ngayong Miyerkules, September 4, masayang humarap sa press ang superstar coaches ng pinakabagong The Voice Kids sa GMA na sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, Stell, at Pablo.

Present din sa event ang host ng programa na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Dito, isa-isang sinagot ng coaches at host ang mga katanungan tungkol sa nasabing singing competition na mapapanood na simula sa September 15 sa weekend primetime ng GMA.

Mula sa success ng pinakaunang The Voice Generations sa Pilipinas at sa buong Asya, inihahandog naman ngayon ng GMA ang bagong The Voice Kids na isa rin sa kilalang franchise ng The Voice mula sa ITV Studios.

Sa The Voice Kids, mga mahuhusay na batang Pinoy singers naman ang sasalang sa iconic blind auditions at susubuking mapaikot ang coaches na sina Coach Billy, Coach Julie, Coach Stell, at ang pinakabagong coach na si Coach Pablo.

Sa interview ng GMANetwork.com sa “pinuno” ng internationally acclaimed P-pop group na SB19 na si Pablo, na nagpapasalamat siya na mapili bilang coach sa The Voice Kids.

Aniya, “I'm grateful na napili at naisip nila na gawin akong coach at the same time, I'm happy kasi nandito po ako sa stage in life na gusto ko po talagang i-share 'yung knowledge ko. So timely na, lalo na mga bata 'yung tuturuan, timely na napili po nila ako na maging coach. I'm happy, I'm very happy.”

Dagdag pa niya, “Siguro masasabi ko na equipped na naman ako para mag-handle ng talents kasi hindi talaga madali maging leader ng isang group lalo na iba't iba kami ng personality, iba't iba kami ng gusto sa buhay, iba't iba ng take siyempre learning curve din. I think I'm equipped to share my knowledge to the kids that will audition dito.”

Excited na rin sina Coach Billy, Coach Julie, at Coach Stell na kilatisin ang batang talents na sasali sa The Voice Kids.

Ang host na si Dingdong, magagamit din daw ang kaniyang pagiging ama para kilalanin ang mga batang singer.

Aniya, “Sa totoo lang pinagdarasal ko na magampanan ko nang maayos itong role ko rito bilang Daddy Dong and Host kasi siyempre ayaw nating ma-disappoint sila e.”

Dagdag pa niya, “At the very least, gusto nating magkaroon sila ng kakaibang experience. I pray that this will be a memorable experience for our contestants.”

Bisitahin ang GMANetwork.com, para sa iba pang updates sa media conference ng The Voice Kids.

Subaybayan ang The Voice Kids tuwing Linggo, 7:00 p.m. simula September 15 sa GMA.