TV

Billy Crawford is set to host 'The Wall Philippines' on GMA Network

By Jimboy Napoles

Magiging kaabang-abang ang pagsasanib puwersa ng dalawang media giant na GMA Network Inc. at Viva Communications Inc. para sa sikat na game show mula sa Amerika hatid ng Endemol na The Wall Philippines na mapapanood na sa GMA.

Ngayong Agosto, matapos ang halos dalawang dekada ay muling mapapanood ang award-winning TV host na si Billy Crawford sa GMA bilang game master ng nasabing game show.

Bukod sa That's Entertainment, huling napanood si Billy sa GMA taong 2007 sa reality dance show na Move! The Billy Crawford's Search for Pinoy Dancers!.

Humanda nang maki-"drop the balls" kasama si Billy at ang bawat celebrity tandem na maglalaro tuwing Linggo na highlight ang state-of-the-art 40-foot wall.

Ang life-changing moments ng celebrity players, abangan sa The Wall Philippines, ngayong Agosto na sa GMA.

Tutok lang sa GMANetwork.com para sa updates.

SAMANTALA, TINGNAN ANG FIRST KAPUSO PROJECT NG DATING KAPAMILYA STARS DITO: