TV

'The Wall Philippines,' mapanonood na ngayong August 28 sa GMA!

By Jimboy Napoles

Ang life changing game show na pinag-uusapan sa buong mundo ay nasa GMA na!

Simula August 28 ay mapapanood na sa GMA Network ang Philippine edition ng The Wall kasama ang international artist, multi-talented at award-winning TV host na si Billy Crawford.

Bukod sa bigating host, masasaksihan sa game show ang paglalaro ng Kapuso stars at iba pang celebrity tandem kung saan sila ay sasalang sa iba't ibang hamon mula sa state-of-the-art 40-foot wall.

Sa kanilang diskarte, galing sa pagsagot sa mind-blowing questions, team work, at direksyon ng bola sa money bins nakasalalay ang kanilang makukuhang premyo na pwedeng lumagpas sa 10 million pesos.

Abangan ang The Wall Philippines, ngayong August 28, Linggo, 3:35 ng hapon sa GMA.

Tutok lang sa GMANetwork.com para sa updates.