GMA Logo Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, The Wall Philippines
What's on TV

Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, unang tandem na maglalaro sa 'The Wall Philippines' sa GMA

By Jimboy Napoles
Published August 27, 2022 3:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, The Wall Philippines


Abangan sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega sa pilot episode ng 'The Wall Philippines' ngayong Linggo!

Bago ang pagsisimula ng kanilang pagbibidahang Kapuso series na What We Could Be, una munang mapapanood sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega sa pilot episode ng The Wall Philippines kasama ang multi-talented TV host na si Billy Crawford ngayong Linggo, August 28, sa GMA.

Sa nasabing episode, buena manong sasalang sina Miguel at Ysabel bilang celebrity tandem na haharap sa mga hamon ng "The Wall" na nahahati sa tatlong rounds na susubok sa kanilang diskarte, talino, at tiwala sa isa't isa.

Umubra naman kaya ang teamwork nila sa challenges ng wall? Makapag-uwi kaya sila ng higit sa sampung milyong pisong papremyo? Sabay-sabay itong tutukan ngayong Linggo.

Samantala, mas pinatindi pa ng GMA ang excitement sa game show dahil hindi lamang ito sa mga telebisyon mapapanood kung 'di pati na rin sa live streaming sa GMANetwork.com at sa GMA Network App.

Abangan ang The Wall Philippines, ngayong August 28, Linggo, 3:35 ng hapon sa GMA.

SILIPIN ANG ILANG SWEET PHOTOS NINA MIGUEL AT YSABEL SA GALLERY NA ITO: