GMA Logo Boobay and Tekla
What's on TV

Super Tekla at Boobay, sasalang sa 'The Wall Philippines' ngayong Linggo!

By Jimboy Napoles
Published September 24, 2022 10:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

2 areas under Signal No. 2 as Ada moves over Southern Luzon
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Boobay and Tekla


Handa ka na ba sa sayang hatid nina Tekla at Boobay sa 'The Wall Philippines?' Abangan ngayong Linggo.

Tiyak na laugh trip ang episode ng The Wall Philippines ngayong Linggo, September 25, dahil sa pagbisita ng Kapuso comedian na si Super Tekla at ang kaniyang ultimate partner sa pagpapatawa na si Boobay.

Sa teaser ng ikalimang episode ng game show, mapapanood ang kulitan ng Kapuso comedy duo kasama ang TV host na si Billy Crawford.

Ipinasilip din sa nasabing teaser ang kuwelang mga banat ni Tekla habang humaharap sa mga hamon ng The Wall.

Makikita rin dito na si Boobay ang napiling sumalang sa isolation room kung saan sasagot siya ng iba't ibang mind blowing questions habang si Tekla naman ang maiiwan sa stage upang magkasa ng bola patungo sa wall.

Pero mapanindigan kaya nina Tekla at Boobay ang pagpapatawa hanggang sa dulo ng laro kung unti-tunti silang pahihirapan ng The Wall?

Samantala, panalo naman ang episode ng nasabing game show ang dating First Lady stars na sina Sanya Lopez at Kakai Bautista kung saan nag-uwi sila ng PhP1,144,935.

Panoorin ang The Wall Philippines kasama si Billy tuwing Linggo, 3:35 ng hapon sa GMA.

SILIPIN NAMAN SA GALLERY SA IBABA KUNG BAKIT BENTA ANG PARTNERSHIP NINA BOOBAY AT TEKLA.