TV

Andrea Torres at Max Collins, maglalaro sa 'The Wall Philippines' finale ngayong December 4

By Jimboy Napoles

Sa huling hulog ng mga bola sa The Wall Philippines ngayong Linggo, December 4, ang dalawang mahusay na Kapuso actress naman na sina Andrea Torres at Max Collins ang susubok na maging susunod na milyonaryo.

Sa inilabas na teaser ng finale episode ng nasabing weekend game show, enjoy at game na game na humarap sa The Wall ang sexy actresses kasama ang TV host na si Billy Crawford.

Sa naturang teaser, makikita na si Max ang napiling sumalang sa isolation room pagkatapos ng first round. Sa isolation room, sasagot si Max ng iba't ibang mind-blowing questions.

Ang bawat tamang sagot ni Max ay may katumbas na green ball, habang ang maling sagot naman niya ay may katumbas na red ball na may kakayahang magbawas ng pera sa kanilang money bank.

Ang kanyang partner na si Andrea naman ang naiwan sa stage kasama si Billy upang magkasa ng bola patungo sa wall.

Mapapanood sa teaser na magkakaroon ng maling sagot si Max na katumbas ng isang red ball. Sumunod naman na ipinakita sa teaser ang isang green ball na malalaglag sa 1 million pesos.

Sina Andrea at Max na kaya ang tatanghaling huling milyonaryo ng latest season ng The Wall Philippines?

Abangan ang intense finale episode ngayong Linggo, December 4, sa mas maagang oras, 2:00 ng hapon sa GMA. Mapapanood din ito via live streaming sa GMANetwork.com at sa GMA Network App.

TINGNAN ANG JAW-DROPPING SEXY PHOTOS NI ANDREA TORRES SA GALLERY NA ITO: