TV

'The World Between Us' nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith, mapapanood na sa July 5

By Aaron Brennt Eusebio

Dalawang linggo na lang at magbabalik na sa primetime si Asia's Multimedia Star Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith sa The World Between Us.

Sa isang-minutong video na inilabas ngayong araw, June 19, nagkaroon na ng ideya ang mga tao kung ano ang mangyayari sa kuwento nina Louie (Alden), Lia (Jasmine), at Brian, na gagampanan ni Tom Rodriguez.

Sa comment section, hindi na magkamayaw ang mga tao dahil sa kanilang excitement.

Komento ng isa, "This is the 2021's much-awaited blockbuster primetime drama that will surely capture our minds, hearts, and souls."

Kaabang-abang talaga ang The World Between Us dahil kay Alden na mismo nanggaling na kakaiba ang kanyang karakter dito.

Patikim ni Alden tungkol kay Louie, "'Yung role ko dito, si Louie, hardworking student, matalino, masipag sa buhay."

"Kaya lang may mga unfortunate events na nangyari sa kanya na nag-push pa sa kanya even further to his limits."

Abangan ang world premiere ng The World Between Us sa July 5 sa GMA Telababad.

Para sa mga Kapuso abroad, mapapanood rin and The World Between Us sa GMA Pinoy TV. Pumunta lamang sa www.gmapinoytv.com para sa iba pang detalye.

Samantala, balikan ang mga nangyari sa unang lock-in taping ng The World Between Us dito: