TV

The World Between Us: Ang pagsisimula ng lihim na pag-iibigan nina Louie at Lia

By Aaron Brennt Eusebio

Sa ikatlong linggo ng The World Between Us, hindi na naitago nina Louie (Alden Richards) at Lia (Jasmine Curtis-Smith) ang kanilang nararamdaman sa isa't isa.

Nagsimulang makaramdam sina Louie at Lia nang tinupad ni Louie ang pangako niya kay Lia na pupunta ito sa art exhibit, kung saan kasali ang kanyang obra.

Nagkataon naman na pumunta rin si Brian (Tom Rodriguez) sa nasabing art exhibit, at dito niya nahuli sina Louie at Lia na magkayakap.

Handa naman si Louie na aminin kay Lia ang kanyang tunay na nararamdaman kaso ay pilit silang hinahadlangan ni Brian.

Bukod kay Brian, ayaw rin ni Audrey na magkatuluyan sina Louie at Lia dahil may pagtingin siya rito.

Dahil dito, nakipagsundo siya kay Brian upang mapigilan nilang dalawa ang nararamdaman nina Louie at Lia sa isa't isa.

Bukod sa pagtingin ni Louie kay Lia, kinaiinisan rin ni Brian si Louie dahil sa kanya napupunta ang atensyon ng kanyang inang si Rachel (Dina Bonnevie).

Sa isang pagtitipon ng kanilang kumpanya, kinilala ni Rachel ang galing at talino ni Louie na siyang kinainis ni Brian.

Habang nasa pagtitipon, nakakuha ng pagkakataon sina Louie at Lia na mag-usap nang walang nakakakita sa kanila.

Dito, nangako si Louie na gagawin niya ang lahat upang maging karapat-dapat kay Lia.

Kaya kaya nina Louie at Lia na ipaglaban ang kanilang pagmamahalan?

Patuloy na panoorin ang The World Between Us, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Samantala, kilalanin ang iba pang mga bida ng The World Between Us dito: