TV

Yana Asistio, pinayuhan ang mga manonood na maghanda sa 'roller coaster ride' sa pagbabalik ng 'The World Between Us'

By Aaron Brennt Eusebio

Nagkaroon na ng virtual script reading para sa kanilang pagbabalik lock-in taping sina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Tom Rodriguez, at iba pang mga bida ng The World Between Us.

Kasalukuyang naka-quarantine sa isang hotel ang mga artista at production crew ng The World Between Us upang makasigurong negative sila bago magsama-sama muli.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Yana Asistio ang larawang kuha mula sa kanilang virtual script reading.

Ginagampanan ni Yana si Jackie Carlos-Libradilla, ang asawa ng kapatid ni Tom na si Brian at ang kapatid ng karakter ni Sid Lucero na si Eric.

"Just finished script reading for our LOCK IN TAPING for SEASON 2 and all I can is [shocked emojis]," sulat ni Yana sa kanyang caption.

"Been getting a lot of messages about how the viewers miss watching #TWBU, thank you for supporting season 1!!” dagdag pa niya.

"Kung nagustuhan niyo 'yung season 1, WE ARE 100% SURE MAS HINDI NIYO MAGUGUSTUHAN BUMITAW SA SEASON 2. BE READY FOR THE CRAZIEST ROLLER COASTER RIDE."

Sa finale episode ng The World Between Us bago ang season break, may patikim na kung anu-ano ang mangyayari sa mga karakter nina Alden, Jasmine, at Tom.

Ano naman kaya ang mangyayari sa magkapatid na Jackie at Eric?

Abangan ang pagbabalik ng The World Between Us sa telebisyon, malapit na sa GMA Telebabad.

Samantala, mapapanood naman ang full catch-up episodes ng programa sa GMANetwork.com at sa GMA Network App.

Balikan ang mga karakter na dapat abangan sa The World Between Us dito: