TV

Jasmine Curtis-Smith sa 'wedding' nina Louie at Lia sa 'The World Between Us': 'Sorry'

By Aaron Brennt Eusebio

Pabirong humingi ng paumahin ang bida ng The World Between Us na si Jasmine Curtis-Smith sa mga manonood ng kanilang programa dahil ang inaabangan ng mga tao na kasal nina Louie at Lia, ay imagination lang pala.

Tweet ni Jasmine, "Ohps sowee."

Kahit na imagination lang ang kasal nina Louie at Lia, marami pa rin ang kinilig dito at umaasang magkakatotoo ito sa dulo ng kanilang kwento.

Magkakatotoo kaya ang kasal nina Louie at Lia sa The World Between Us?

Abangan muna Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad pagkatapos ng I Left My Heart in Sorsogon.