TV

Jasmine Curtis-Smith, hinangaan ng 'The World Between Us' viewers

By Aaron Brennt Eusebio

Taos-pusong nagpasalamat ang aktres na si Jasmine Curtis-Smith sa mga taong sumuporta sa pinagbibidahan niyang primetime series na The World Between Us.

Ngayong linggo kasi ay mabibigat na mga eksena nina Louie (Alden Richards), Lia (Jasmine), at Brian (Tom Rodriguez) ang napanood dahil namatay ang kanilang ina na si Rachel na ginagampanan ni Dina Bonnevie.


Sa Twitter, nagpasalamat si Jasmine sa lahat ng mga sumusubaybay sa The World Between Us.

Sulat niya, "Oh wow. Thank you everyone! I'm overwhelmed by the praise you have shared with me. I am grateful for your appreciation, time and love for our show."

"Let's just hope Lia can see clearly even through her pain and grief."

Marami kasi ang pumuri sa galing ni Jasmine sa pag-arte, lalong lalo na nang makita niya na patay na ang kanyang inang si Rachel.

Komento ng ilan, damang dama nila ang emosyon na naramdaman ni Lia.

Abangan mas nakakapanabik na istorya ng The World Between Us, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng I Left My Heart in Sorsogon.