TV

The World Between Us: Happy ending nina Louie at Lia | Finale

Sa huling linggo ng The World Between Us, masayang natapos ang pagmamahal nina Louie (Alden Richards) at Lia (Jasmine Curtis-Smith).

Masaya man sa dulo, hindi naging madali para kina Louie at Lia na ipaglaban ang kanilang pagmamahalan dahil kay Eric (Sid Lucero).

Sa kabila ng proteksyon ni Louie, nagawa pa rin ni Eric na i-kidnap si Lia. Samantala, humingi na rin ng tawad si Brian (Tom Rodriguez) kina Louie at Lia.

Sinigurado ni Louie na magbabayad si Eric dahil sa kanyang ginawa kay Lia.

Magkakampi man sila noon, si Brian ang tumapos sa buhay ni Eric. Dahil dito, makukulong siya upang pagbayaran ang kanyang mga kasalanan.

Sa huli, masayang nagsama sina Louie at Lia kasama ang kanilang mga kabilang. Bukod sa kanila, magkakaroon na rin ng little Louie dahil buntis si Lia.

Mapapanood ang full episodes ng The World Between Us sa GMANetwork.com at sa GMA Network App.