TV

Jasmine Curtis-Smith, happy at excited na mapapanood na sa Amazon Freevee ang 'The World Between Us'

By EJ Chua

Habang busy sa kanyang resort business sa La Union, excited din ang aktres na si Jasmine Curtis-Smith dahil mapapanood na ang The World Between Us sa Amazon Freevee.

Sa nasabing GMA drama romance series na ipinalabas sa Philippine television noong July 2021 hanggang January 2022, napanood si Jasmine bilang si Lia Libradilla, ang magandang babae na may mabuting puso.

Sa latest report ng 'Chika Minute' host na si Nelson Canlas, ibinahagi ng Kapuso star ang kanyang naramdaman nang malamang maaari nang mapanood ang seryeng kanyang pinagbidahan sa pamamagitan ng isang free streaming service.

Pagbabahagi ni Jasmine, “I'm very excited kasi, 'yung mga nakapanood na nung first 50 episodes namin nung una siyang na-release, ngayon they can finish the whole series and enjoy it until the end and binge watch it again.”

Dagdag pa niya, “It will be the first na Filipino language sa platform na 'yun. Siyempre it's a privilege and it's always a great thing na maging pioneer, diba?”

Bukod sa Kapuso actress, bumida rin sa serye ang Start-Up Ph star na si Alden Richards at ang aktor na si Tom Rodriguez.

SAMANTALA, KILALANIN ANG MGA NAGING LEADING MAN NI JASMINE CURTIS-SMITH SA KANIYANG TV AT MOVIE PROJECTS SA GALLERY SA IBABA: