
Nasa Paris, France na ang Kapuso stars na sina Ruru Madrid at Bianca Umali para sa taping ng ilan pang eksena para sa kanilang Asian thriller romance drama na The Write One.
Kanya-kanya sila ng post sa kanilang Instagram stories matapos lumapag sa Paris.
Si Ruru, nag-post ng kuha maula sa sasakyan kung saan makikita ang makulay na grafitti art sa kalsada.
Nagbahagi naman si Bianca ng maikling video nila ni Ruru na excited dahil unang beses nila sa Paris.
"Bonjour! We're here. We made it to Paris. Philippines, we made it to Paris," pahayag ni Bianca sa video.
"Hey, bonjour! Bounjour, mademoiselle. Yeah, hello everyone. Wohoo, first time in Paris," dagdag ni Ruru.
Ito ang unang pagkakataong babiyahe sila sa Europe nang magkasama.
Pagkatapos ng trabaho nila, balak daw nina Ruru at Bianca na mag-extend ng kanilang stay doon para makapagbakasyon.
"The fact that we are able [to] go there for work and to go on vacation and to travel na rin as well, mas masaya," ayon kay Bianca.
"Saka ang ganda ng mga eksena na gagawin namin doon," sambit naman ni Ruru.
Patuloy na panoorin The Write One, Monday to Thursday, 9:35 p.m. sa GMA, I Heart Movies at Pinoy Hits. May same-day replay rin ito sa GTV, 11:25 p.m. Maaari ring mag-stream ng advanced episodes nito, anytime, anywhere sa www.viu.com.