GMA Logo Bianca Umali and Ruru Madrid
Source: rurumadrid8/IG
What's on TV

Ruru Madrid at Bianca Umali, pupunta ng Paris para sa shoot ng 'The Write One'

By Kristian Eric Javier
Published April 4, 2023 11:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali and Ruru Madrid


Pupunta ng Paris sina Ruru Madrid at Bianca Umali para sa work and vacation.

Sparkle stars at bida ng GMA Telebabad series na The Write One na sina Ruru Madrid at Bianca Umali ay babiyahe papuntang Paris, France para mag-shoot ng ilang eksena ng bago nilang serye.

“Pangarap naman talaga namin makapunta dun at naswertehan lang namin na magkasama kami,” sabi ni Ruru sa interview ni Aubrey Carampel sa “Chika Minute.”

Pero bukod sa work, plano na rin ng dalawa mag-relax at recharge sa City of Love para ngayong summer.

Ayon kay Bianca, “Mag-e-extend na kami dun and all that.”

“'Yun na 'yung pinakabakasyon namin for summer,” sabi naman ni Ruru.

Ayon kay Bianca, pagbalik nila galing Paris ay magkahiwalay na rin silang magtatrabaho ni Ruru.

Bida ang dalawa ngayon sa romance fantasy series na The Write One, isang kuwento tungkol sa isang tao na malalagay sa peligro ang buhay pag-ibig na mabibigyan ng bagong chance na itama ang kaniyang mga mali para sa mas maayos na relationship.

Dahil din sa bago nilang serye ay mas nakilala nina Ruru at Bianca ang isa't isa.

“Si Ruru, nakita ko kung siya mag-lead, kung paano niya pasayahin 'yung mga tao, at kung paano niya pinagsasama-sama lahat,” ani Bianca.

Sagot naman ni Ruru, “Pero sa lahat nang 'yun, syempre, siya 'yung pinakauna kong pinapasaya.”

Sinabi rin ng aktor ang mga bagay na natutunan niya sa pagtatrabaho kasama si Bianca.

Dagdag pa ng aktor, “Siguro pinakanatutunan ko working with Bianca, 'yung work ethics niya. Sobrang grabe. I didn't expect na merong tao na ganun ka-passionate when it comes to work.”

Bukod sa bagong serye, lumabas din sina Ruru at Bianca sa cover ng isang magazine kung saan ayon sa kanila, ay naging chance na mapag-usapan ang status nilang dalawa.

“Itong covershoot na ito, dito nga namin mas napag-usapan kung ano ba'ng status naming dalawa, papaano kaming dalawa,” sabi ni Ruru.

TINGNAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA RURU AT BIANCA SA GALLERY NA ITO: