
Agaw-atensiyon ang Kapuso stars na sina Ruru Madrid at Bianca Umali sa Paris, France habang nagte-tape ng ilang pang eksena ng kanilang GMA Telebabad series na The Write One.
Ilang foreign tourists pa ang suwerteng nakapanood habang kinukunan ng dalawa ang isang emosyonal na eksena sa serye.
"May ginawa kaming heavy scene and then ang daming mga turistang nanonood. After noong eksena, pumalakpak silang lahat. Sobrang nakakatuwa. Sinabi nila kahit daw hindi niintidihan 'yung mga sinasabi namin, naramdaman daw nila 'yung eksena," kuwento ni Ruru.
Masaya naman si Bianca na magkahalong trabaho at bakasyon ang pagpunta nila si Ruru sa Paris.
"Sinasabi ko nga, paulit ulit, sobrang unplanned kaya sobrang parang surreal. I never thought that I would be able to go dito at this age na kaming dalawa pa ni Ruru 'yung magkasama. 'Yun 'yung best na parang were hitting two birds with one stone na--both vacation and work," pahayag ng aktres.
First time nina Ruru at Bianca sa Paris kaya lulubusin na raw nila ang bakasyon bago bumalik sa Pilipinas para magtrabaho sa kanya kanyang mga proyekto.
"We do plan to extend [our stay in Paris]. Sasagarin talaga namin because this is the only free time we have sa ngayon," lahad ni Bianca.
Kapansin-pansin din ang mga pinaghandaang outfits ni Bianca para sa kanyang biyahe.
"Parang siguro, a month of anxiety ng pagpa-plano kung ano 'yung susuotin, kung kaya bang dalhin lahat ng mga damit na dadalhin because we're already in Paris, siyempre um-outfit ka na," aniya.
Patuloy na panoorin The Write One, Monday to Thursday, 9:35 p.m. sa GMA, I Heart Movies at Pinoy Hits. May same-day replay rin ito sa GTV, 11:25 p.m. Maaari ring mag-stream ng advanced episodes nito, anytime, anywhere sa www.viu.com.
SAMANTALA, SILIPIN ANG MGA EXCITING NA EKSENANG DAPAT ABANGAN SA BAGONG YUGTO NG THE WRITE ONE SA EXCLUSIVE GALLERY NA ITO:
Panoorin din ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.