TV

Bianca Umali, sinabing 'amazing journey' para sa kanila ni Ruru Madrid ang magkatrabaho sa 'The Write One'

By Kristian Eric Javier

Sa nalalapit na pagtatapos ng romance fantasy series na The Write One, sinabi ng bida nitong si Bianca Umali na isang “amazing journey” para sa kanila ng kanyang real life partner na si Ruru Madrid ang bumida sa kanilang series nang magkasama.

Sa interview ni Bianca sa GMA Regional TV morning show na Mornings with GMA Regional TV, sinabi niyang naging isang stepping stone ang pag bida nila sa The Write One “for our relationship and for our careers as well.”

“For our relationship, kasi ito na lang 'yung hindi pa namin nagagawa together so far. 'Yung hindi pa namin masyado napag-uusapan bago kami naging magkatrabaho, sanay kami na kaming dalawa 'yung pahinga ng isa't isa and this time, kami naman 'yung kailangan namin trabahuhin kumbaga” ani ng aktres.

Dagdag pa ng aktres, “Ang dami naming natutunan, nakalaki ng growth namin as individuals and as co-actors because of this show and we are very proud of what the outcome is.”

Sinabi rin ni Bianca na parehong madali at mahirap ang makatrabaho ang isang tao na kumportable ka na.

“It becomes hard kasi you are working with someone you are comfortable with so kailangan mo mag step-back para lang makapagtrabaho kayo,” sabi nito.

“Kasi sobrang kumportable niyo sa isa't isa na wala kayong boundaries at all and sometimes, when you are in a scene, kailangan niyo ng boundaries,” Pagpapatuloy nito.

Dagdag din ng aktres, “It becomes easy because you're working with someone you're very comfortable with. You don't have any adjustments, wala ka masyadong kailangan isipin, trabaho lang.”

Samantala, nang tanungin naman si Bianca kung ano ang natutunan niya sa The Write One, sinabi niyang “Napakarami.”

“Siguro sa sarili ko, kung meron man akong natutunan dito sa The Write One, 'yun ay 'yung nadiscover ko 'yung hunger ko to lead not just myself, but the whole project itself,” sabi niya.

Dagdag pa ng aktres, “Sa The Write One, naramdaman ko, with GMA Public Affairs, na I belonged in the show, I was heard in the show, and all the opinions, suggestions, they were all very collaborative and ang sarap mag trabaho kapag all sides are happy with what's happening. Mas maganda 'yung resulta.”

SAMANTALA, TIGNAN ANG ILANG BEHIND THE SCENES SHOOT NG 'THE WRITE ONE' SA PARIS DITO: