Excited na ang cast ng upcoming romance drama with a touch of fantasy na The Write One na maibahagi ang kanilang serye sa mga manonood.
Kaya naman hinarap nila ang ilang piling miyembro ng media para sagutin ang ilang mga katanungan tungkol sa show sa isang media conference na idinaos sa isang hotel sa Maynila noong Sabado, March 11.
Bukod sa panel interview, may special preview din ng unang dalawang episodes ng serye.
Silipin ang media conference at pilot screening ng upcoming series na The Write One sa gallery na ito.
Huwag palampasin ang world premiere ng The Write One sa March 20 sa GMA, GTV, at Pinoy Hits. Maaari ring itong i-stream anytime, anywhere sa Viu simula March 18.
Pulido na naman ang outfits ng 'The Write One' leads na sina Ruru Madrid at Bianca Umali.
Sabay ring dumating ang real life couple na sina Paul Salas at Mikee Quintos sa event.
Elegante ang look ni Lotlot de Leon.
Very dapper rin si Ramon Christopher.
Isang intense role na naman ang dapat abangan mula kay Mon Confiado.
Kaiinisan daw ng mga manonood ang karakter ni Alma Concepcion sa show.
Kaabang-abang ang kontrabida role ni Royce Cabrera sa serye.
Looking forward si Kokoy de Santos na maipakilala ang quirky character niya sa mga manonood.
Proud si Analyn Barro sa husay ng buong cast ng show.
Excited na si Kaloy Tingcungco na maibahagi ang kuwento ng 'The Write One. '
First time raw makakatrabaho ni Miggs Villasis ang halos lahat sa cast ng 'The Write One.'
Masaya si Karenina Haniel na makasama sa isang modern story matapos maging bahagi ng isang historical drama series.
Binigyan daw ng 'The Write One' ng artistic freedom ang draq queen na si Eva Le Queen para sa look ng kanyang karakter sa show.
Cuteness ang dala ni Euwenn Mikael sa show.
Mas light daw ang karakter at mga eksena ni Yvette Sanchez sa 'The Write One' kumpara sa kanyang past projects.
Present din sa media conference at pilot screening sina Deputy General Manager of Viu Philippines Vinchi Sy-Quia, Sparkle Senior Talent Manager Tracy Garcia, First Vice President of Public Affairs Nessa Valdellon, Viu Head of Content Partnerships Garlic Garcia, at Sparkle Assistant Vice President for Talent Management Joy Marcelo, at Sparkle Senior Talent Manager Vic del Rosario.
Iba't ibang definition ng love ang makikita sa 'The Write One,' ayon sa director nitong si King Baco.
Ayon sa concept creator at executive producer na si Mark Norella, inspirasyon ng 'The Write One' ang mga "what ifs" na karaniwang naitatanong natin sa ating mga sarili noong kasagsagan ng pandemic.
Si Janeena Chan ang nagsilbing host ng media conference at pilot screening ng serye.
Si Jason Marvin naman ang umawit ng official theme song ng serye na "Oras."
Aliw na aliw ang mga bidang sina Ruru at Bianca habang pinapanood ang unang dalawang episode ng show.
Tila rollercoaster ng iba't ibang emosyon ang unang episodes ng show.
Huwag palampasin ang world premiere ng The Write One sa March 20 sa GMA, GTV, at Pinoy Hits. Maaari ring itong i-stream anytime, anywhere sa Viu simula March 18.