TV

Bianca Umali, inaming in-unfollow si Ruru Madrid dahil sa away sa set ng 'The Write One'

By Marah Ruiz

Dalawang real-life Kapuso couples and mapapanood sa upcoming romance drama series with a touch of fantasy na The Write One.

Magpares bilang lead stars ng show sina Ruru Madrid at Bianca Umali. Makakasama rin nila sa serye ang kanilang good friends na sina Mikee Quintos at Paul Salas.

Ayon sa direktor ng serye na si King Mark Baco, nakaramdam siya ng kaba noong nalaman niyang totoong magkasintahan ang mga aktor na makakatrabaho niya.

"To be honest, bago siya i-shoot siyempre anxious ako, may apprehension ako. What if mag-away sila, maapektuhan ba 'yung perfomance nila? Normal 'yun eh, mag-LQ (lover's quarrel)," pahayag ni direk King sa media conference at pilot screening ng The Write One.

Ginunita rin niya ang isang insidente sa set kung saan nagkaroon ng tampuhan sa pagitan nina Bianca at Ruru habang nasa set.

"Then one day, lumapit sa akin 'yung isa sa mga crew. Sabi, 'Direk, may nag-a-unfollow ng IG (Instagram).' 'Sino 'yun?' Siyempre kilala natin 'yun. Nag-worry talaga 'ko. 'Asan si Bianca?' 'Nasa tent, direk.' 'Anong ginagawa?' 'Wala, walang kinakausap,'" kuwento ng direktor.

Lalo pang kinabahan si direk King dahil kailangan mag-shoot ng eksena nina Bianca at Ruru noong araw na iyon.

"Ito na nga sinasabi ko eh. Bothered ako noong araw na 'yun, to be honest. Sobrang sensitive ako na lapitan si B. Patay malisya ako. 'B, ito ang gagawin natin ha?' Pero at the back of my mind, 'Huwag naman!" bahagi niya.

Masaya naman daw siya na maayos na nagawa ng dalawa ang mga eksena sa kabila ng tampuhan nila.

"Pero ang galing lang, sobrang professional naman. Parang okay lang naman sila, ang galing pa rin. Ang galing galing pa rin ng performance," aniya.



Nilinaw naman ni Bianca ang naging issue ng pag-unfollow nila ni Ruru sa isa't isa.

"It was a small fight lang naman. Hindi siya something na dapat maging big deal. We follow each other again. Ang bilis kasi ng fans eh. 'Yung naging pag-unfollow namin sa isa't isa was spur of the moment, nasa height ng emotions," pahayag ni Bianca.

Para sa kanya, normal daw ang ganoong mga bagay sa pagitan ng magkarelasyon.

"Again, aminado naman kami na being in a relationship, wala naman talagang perfect na relationship. You really go through mga maliliit na tampuhan lalo na for us na we are together every single day, working. It's normal, I guess, to get burned out a bit pero okay naman," lahad ng aktres.

Proud naman si Bianca na hindi naaapektuhan ng personal nilang issues ang kanilang trabaho.

"Actually, it's a skill for an actor to be able to separate 'yung personal life happenings sa trabaho. Kami naman so far, parang nagawawa naman namin na ihiwalay 'yung personal issues namin kapag nasa eksena kami. When we know we're working, hindi makakahadlang kung ano man 'yung nangyayari sa amin off cam," bahagi ni Bianca.

Huwag palampasin ang world premiere ng The Write One sa March 20 sa GMA, GTV, at Pinoy Hits. Maari rin itong i-stream anytime, anywhere sa Viu simula March 18.

SAMANTALA, SILIPIN ANG MEDIA CONFERENCE AT PILOT SCREENING NG THE WRITE ONE DITO: