
Co-stars ang real life Kapuso couple at Sparkle stars na sina Mikee Quintos at Paul Salas sa upcoming romance drama series with a touch of fantasy na The Write One.
Ilang beses na rin silang nagsama sa isang project pero ito ang unang pagkakataon na makakatrabaho nila nang sabay ang mabubuting kaibigan at kapwa real life couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali.
Lalong naging interesting ang The Write One dahil may magaganap na "switching" ng partners kung saan sina Ruru at Mikee ang magkapares, habang sina Paul at Bianca naman ang magiging partners.
Aminado si Mikee na nagkakaroon din sila ni Paul ng 'di pagkakaintindihan sa set.
"'Yung mga napapagdaanan naming arguments kung sakali mang may hindi kami ma-agreehan sa set, hindi niyo maiiwasan 'yun," bahagi ni Mikee sa media conference at pilot screening the The Write One.
Habang tumatagal at mas dumarami ang projects nilang magkasama ni Paul, mas nakikita daw ni ng aktres ang differences nila ng nobyo.
"Working together talaga, magkaiba kami. I realized, kami ni Paul, magkaiba kami ng atake sa trabaho. Magkaiba 'yung needs namin," aniya.
Gayunpaman, ang mga bagay na iyon naman daw ang nagpapatibay sa kanilang personal at working relationship.
"Going through those small things, doon nagiging better 'yung real life relationship namin and the way we work din on set,"
Ang The Write One ay kuwento ng isang frustrated television writer na mabibigyan ng pagkakataon na literal mabago ang kanyang buhay sa pamamagitan ng isang antique typewriter.
Abangan ang world premiere ng The Write One sa March 20, 9:35 p.m. sa GMA, I Heart Movies at Pinoy Hits. May same-day replay rin ito sa GTV, 11:30 p.m. Maaari rin itong i-stream, anytime, anywhere sa www.viu.com simula March 18.
SAMANTALA, SILIPIN ANG MEDIA CONFERENCE AT PILOT SCREENING NG THE WRITE ONE DITO: