GMA Logo The Write One cast
Source: shairadiaz_/
What's on TV

'The Write One' stars, ano nga ba ang natutunan mula sa kani-kanilang roles?

By Kristian Eric Javier
Published March 20, 2023 5:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Epstein files release highlights Clinton, makes scant reference to Trump
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

The Write One cast


Nahanap na ba talaga nina Ruru Madrid, Bianca Umali, Mikee Quintos, at Paul Salas ang kani-kanilang 'the right one?'

Aminado ang stars ng The Write One na sina Ruru Madrid, Bianca Umali, Paul Salas, at Mikee Quintos na marami silang natutunan habang ginagawa ang bago nilang serye, lalong-lalo na pagdating sa pag-ibig.

At dahil dalawang pares ng real-life couples ang bida sa serye, tinanong sila ni Shaira Diaz na pumunta sa set para sa Unang Hirit, kung natagpuan na nila ang kani-kanilang "the right one."

Malaking factor raw para kay Ruru at Bianca na malapit ang mga karakter na ginagampanan nila na sina Liam at Joyce sa kung paano sila sa totoong buhay.

“Somehow, parang nag-clear siya na parang ganito pala talaga para masabi mo na siya na talaga 'yung the right one,” sabi ng aktor.

Ayon naman kay Bianca, “Sa intro ng palabas na ito, makikita talaga kung paano nabuo 'yung relationship at kung ano y'ung nangyari sa kanila matapos ikasal that brought Liam to the point na kinailangan niyang i-rewrite 'yung nangyari sa kanila."

“So sa tingin ko, naipakita rin sa amin somehow kung ano 'yung maaari naming iwasan pagkatapos namin ikasal pagdating ng araw,” dagdag pa ng aktres.

Para naman kay Mikee, ang natutunan niya sa karakter niyang si Via ay kung paano ito magpakita ng iba't-ibang paraan sa pagmamahal.

“Yung iba, mahirap intindihin, 'yung iba, mas welcoming or mas masarap makita kasi malambing pero sana hindi natin i-judge 'yung mga mas intense magmahal.

At ang sagot niya sa tanong na kung para sa kaniya si Paul na ba ang "the right one," “Oo naman. Even before the show naman.”

Galing sa pagiging kontrabida si Paul sa Lolong at sinabi niyang ibang-iba raw ang role niya sa The Write One na si Hans.

“Ako naman, siguro mas natutunan ko kay Hans 'yung talagang binibigay din lahat sa pagmamahal. Galing sa kontrabido role sa 'Lolong,' ito, ibang-iba. Sobrang bait, loving hindi lang sa nililigawan niya, kundi sa lahat ng tao na kailangan ng tulong,” sabi nito.

Ang reaksyon naman niya sa pagiging the right one niya para kay Mikee, “Nalaman ko naman na the right one si Mikee, dati pa 'ko hoping. Siyempre, di rin naman natin masasabi 'yung future, but hoping na siya na yung the right one.”

KILALANIN ANG BUONG CAST NG 'THE WRITE ONE' SA GALLERY NA ITO: