
Isang exciting na production number ang inihanda ng Tanghalan ng Kampeon Grand Finalists na sina Sheena Palad, MC Mateo at Lucky Robles sa TiktoClock.
Ngayong March 21, napanood ang kanilang pasabog na performance na hinangaan ng mga TiktoClock hosts at mga Tiktropa.
Bilang sila ang unang tatlong grand finalists, inilahad nina Sheena, MC, at Lucky ay kanilang ginagawang paghahanda para sa grand finals.
Kuwento ni Sheena, "Unang-una po natutulog po kami at nagte-training din po kami."
Nagpasalamat din si Sheena sa mga vocal coach na umaalalay sa kanila bilang mga kampeon.
"Talaga pong sinu-sure nila na maayos po kami. Kaya maraming-maraming salamat po."
Si MC naman ay naghahanda sa pamamagitan ng pag-ensayo.
"Pinapraktis at pinakikinggan ko po ang lahat ng piyesa sa mundo ng musika. Ina-apply ko po lahat ng itinuro ng coaches natin dito," saad ng kampeon na si MC.
Physical strength naman ang naging focus ni Lucky para sa magandang performance.
Kuwento ni Lucky, "Cardio po. Nakakatulong din po kasi ang exercise para laging bukas ang boses natin."
Abangan kung sino ang susunod na makakasama nina Sheena, MC, at Lucky sa grand finals ng "Tanghalan ng Kampeon".
Patuloy na subaybayan ang banggaan ng mga kampeon sa "Tanghalan ng Kampeon". Tutukan ito sa TiktoClock Lunes hanggang Biyernes, 11:15 a.m. sa GMA Network.
Mapapanood din ang TiktoClock sa YouTube via Kapuso Stream at sa TiktoClock Facebook page.