GMA Logo tanghalan ng kampeon
What's on TV

Tanghalan ng Kampeon judges, ipinaliwanag kung bakit walang napili sa contestants

By Maine Aquino
Published March 21, 2024 6:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang empleyado, naranasang maging Christmas party performer noong bagong hire sila
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

tanghalan ng kampeon


Ipinaliwanag nina Renz Verano, Jessica Villarubin, at Bugoy Drilon kung bakit walang nanalo sa 'Tanghalan ng Kampeon' ngayong March 21.

Ikinagulat ng mga manonood nang idineklara ng mga judges ng "Tanghalan ng Kampeon" na sina Renz Verano, Jessica Villarubin, at Bugoy Drilon na walang nanalo ngayong March 21.

Napanood nitong Huwebes, March 21, ang tapatan nina Clark Badon mula Laguna at Mhae Drillon mula sa Cavite sa Tanghalan ng Kampeon sa TiktoClock.

Sina Clark at Mhae ay parehong nakakuha ng nine stars mula sa inampalan, pero sa huli ay idineklarang walang nanalo para sa araw na ito.

A post shared by TiktoClock (@tiktoclockgma)

Ayon sa judge o inampalan na si Renz, "Ayaw ho naming gawin ito kaya lang ang mananalo kasi, magiging defending champion. So, 'yun po ang naging basehan kung bakit tabla, wala pong nanalo. Kailangan ho 'yung standard nung isang mananalong contestant, e, bilang defending champion, ang standard po dapat ay champion."

Nilinaw naman ng OPM hitmaker na hindi ito ay base lamang sa performance nina Clark at Mhae ngayong araw.

"Ito po ay dahil sa kanilang performance. Doon sa paligsahan ngayong araw. Ito po ay hindi nagre-reflect doon sa previous performances nila, sa pag-audition nila dahil magaling sila sa audition nila."

Dugtong pa ni Renz, "Ang nangyari po, itong kanilang araw ng paligsahan mismo ay hindi po umabot. We had to declare na wala pong panalo."

A post shared by TiktoClock (@tiktoclockgma)

Ikinuwento naman ng guest judge na si Bugoy ang kanilang pagbuo ng desisyon sa "Tanghalan ng Kampeon" ngayong araw.

"Unanimous naman 'yung decision namin na wala ngayong mananalo kasi diretso kasi agad ng defending champion e. Ang hinahanap namin is magre-represent 'yung defending champion ng araw na 'to."

Sinundan pa ito ng hiling ni Bugoy kina Clark at Mhae na huwag sana silang ma-discourage sa naging resulta.

"Sana huwag silang ma-discourage kasi ganoon talaga sa isang competition and we just have to take the constructive criticisms for us to improve and for us to be better."

Inamin ni Jessica ang kaniyang saloobin sa kanilang desisyon na unang beses na hindi magdeklara ng panalo sa "Tanghalan ng Kampeon."

Ayon kay Jessica, "Sa unang pagkakataon, nagdesisyon kaming walang panalo. Super hirap po ng desisyon. Both naman ginawa nila lahat. Pero kasi wala tayong kampeon ngayon e. Hinahanap talaga namin 'yung pasok sa quality ng pagiging isang kampeon kasi 'yun naman talaga 'yung hinahanap natin sa TNK (Tanghalan ng Kampeon)."

Abangan ang mga susunod na magtatapat sa "Tanghalan ng Kampeon" sa TiktoClock. Tutukan ito sa TiktoClock Lunes hanggang Biyernes, 11:15 a.m. sa GMA Network.

Mapapanood din ang TiktoClock sa YouTube via Kapuso Stream at sa TiktoClock Facebook page.