GMA Logo tiktoClock
What's on TV

TiktoClock, mapapanood na sa bagong oras!

By Maine Aquino
Published April 2, 2024 10:02 AM PHT
Updated April 2, 2024 3:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fire erupts in Kuwait's Shuwaikh oil sector complex after drone attack —report
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

tiktoClock


Simula April 8, may bagong oras na ang 'TiktoClock' at mapapanood na rin sa GTV!

Simula April 8, mas maaga na ang happy time na hatid ng TiktoClock!

Sa darating na Lunes, mapapanood na ang TiktoClock sa mas maagang oras. Mapapanood na ang kulitan, happy time, at pamimigay ng blessings ng TiktoClock simula11:00 a.m. hanggang 12:00 noon.

Hindi lang mas maagang oras ang sorpresa ng TiktoClock sa mga manonood. Mapapanood na rin ang simulcast ng TiktoClock sa GTV simula April 8.

Huwag magpahuli sa masasayang segments tulad ng "Ulo ng mga Balita," "Hale-Hale Hoy," "'Sang Tanong, 'Sang Sabog," at ang tinututukang bangaan ng mga kampeon sa "Tanghalan ng Kampeon" sa TiktoClock. Tutukan ito sa bago nitong oras, 11:00 am to 12 noon.

Maaari ring abangan ang kulitan nina Pokwang, Kuya Kim Atienza, Rabiya Mateo, Faith Da Silva at Jayson Gainza at mga Tiktropa sa TiktoClock sa YouTube via Kapuso Stream at sa TiktoClock Facebook page.