TV

Mavy at Cassy Legaspi, mapapanood sa 'TiktoClock'

By Maine Aquino

Makiki-happy time sa TiktoClock ang Sarap, 'Di Ba? hosts na sina Mavy at Cassy Legaspi sa Lunes, April 22.

Ang pagbisita nina Mavy at Cassy ay parte ng GMA Musical Variety and Talent Reality Group ang newest campaign na “Masaya Dito!”

PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?

Sa exciting na crossover na ito ay babaunin nina Mavy at Cassy ang kanilang energy at good vibes sa pakikipag-bonding sa mga Tiktropa. Mapapanood din sa morning variety show kung paano makikipagsabayan sina Mavy at Cassy sa happy time at pamimigay ng blessings.

“Masaya Dito!” kaya tutok na sa Kapuso variety at reality shows sa TV at online streaming. Abangan ang pagbisita nina Mavy at Cassy sa TiktoClock sa April 22, 11:00 a.m. sa GMA Network at sa GTV.

Mapapanood din ang TiktoClock sa YouTube via Kapuso Stream at sa TiktoClock Facebook page.