GMA Logo Gary Villalobo
What's on TV

Gary Villalobo, inaming nagbago ang buhay dahil sa 'Tanghalan ng Kampeon'

By Maine Aquino
Published June 3, 2024 4:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 23, 2025
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Gary Villalobo


Si Gary Villalobo na isang tricycle driver ay isa sa mga aabangang sa grand finalists ng 'Tanghalan ng Kampeon'.

Ibinahagi ni Gary Villalobo ang naging pagbabago sa kaniyang buhay simula nang napanood siya sa "Tanghalan ng Kampeon" sa TiktoClock.

Si Gary ay ang ikaapat na grand finalist ng "Tanghalan ng Kampeon".

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, inilahad ni Gary na siya ay isang tricycle driver. Ipinaliwanag ni Gary na hindi na siya masyadong nakakapasada ng kaniyang tricycle simula nang sumali siya sa "Tanghalan ng Kampeon".

Ani Gary, "Sobrang malaking pagbabago po para sa akin kasi po dati po nabiyahe po ako ng aking tricycle. Ngayon po, hindi masyado kasi busy po sa mga events."

PHOTO SOURCE: TiktoClock

Dugtong pa ni Gary, isa pa sa kaniyang ipinagpapasalamat ay dahil sa nakikilala na siya ng mga tao.

"Siyempre lumaki ang TF (talent fee) natin kasi medyo nakilala na po. Nagpapasalamat po talaga ako sa TNK, sa Tanghalan ng Kampeon sa TiktoClock."

Binalikan ni Gary ang kaniyang naging simula sa pagsali sa "Tanghalan ng Kampeon". Ayon sa grand finalist, ang kaniyang misis ang naging daan kung bakit siya napasali sa tinututukang singing contest sa TiktoClock.

"'Yung pagsali ko sa Tanghalan ng Kampeon, galing po kasi kami ng Bataan dati, galing ng contest, wala pa kaming katulog tulog. Pinush ako ng asawa ko na dumiretso na tayo sa pag-audition sa Tanghalan ng Kampeon. Kaya po si misis po talaga 'yung nag-push sa akin sa TNK."

Biro pa ni Gary, "Kaya po thanks sa misis at nahihirapan ako ngayon."

Dahil kilala na si Gary bilang grand finalist ng "Tanghalan ng Kampeon", masayang-masaya siya sa naging pagbabago sa kaniyang buhay at pangarap na maging mang-aawit.

"Masayang masaya po at sobrang na-proud po yung aking supporters, mga kamag-anak, asawa ko, mga anak ko."

Saad ni Gary ang pasasalamat na nakita ng "Tanghalan ng Kampeon" ang kaniyang talento.

"Nagpapasalamat po ako sa Tanghalan ng Kampeon dahil napasama po ako sa ganitong patimpalak."

Patuloy na tumutok sa TiktoClock para sa bangaan ng boses sa "Tanghalan ng Kampeon". "Masaya Dito!" kaya manood ng TiktoClock Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA Network at sa GTV.

Mapapanood din ang TiktoClock sa YouTube via Kapuso Stream at sa TiktoClock Facebook page.

KILALANIN ANG IBA PANG GRAND FINALISTS NG TANGHALAN NG KAMPEON SA TIKTOCLOCK: