GMA Logo Julius Cawaling enters Tanghalan ng Kampeon grand finals
Photo by: GMa Network (YT)
What's on TV

Julius Cawaling, pasok sa grand finals ng 'Tanghalan ng Kampeon'

By Kristine Kang
Published April 7, 2025 7:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Donnalyn Bartolome, magpapaalam na sa vlogging: 'That is my gift to myself'
DTI: Damaged roads in Davao Occ. taking heavy toll on MSMEs
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Julius Cawaling enters Tanghalan ng Kampeon grand finals


Nasungkit ni Julius Cawaling ang bagong finalist spot sa 'Tanghalan ng Kampeon!'

Naging mainit ang labanan ngayong Lunes (April 7) sa singing competition ng one-of-a-kind countdown variety show na TiktoClock.

Sa patuloy na tapatan sa "Tanghalan ng Kampeon," umabot na si Julius Cawaling sa kanyang ikawalong round. Kung siya'y mananalo muli, pasok na siya sa pinakahihintay na grand finals.

Ang humamon sa kanyang huling tapatan ay si Melchor Batanes. Dikit ang kanilang laban dahil sa kanilang istilo sa pagkanta.

"Magkaiba na naman ang ating dalawang finalists ngayon na genre. Isang balad na iba 'yung boses, baritone. 'Yung isa naman, balad din pero nasa taas naman. So alin ang pipiliin mo? It boils down again to tamang notes. Ibig sabihin, 'yung kanilang intonation and 'yung tamang dynamics ng pag-awit mo," sabi ni judge Renz Verano.

Matapos ang mabusising scoring ng judges, nasungkit ni Julius ang kanyang pwesto sa grand finals ng kompetisyon. Makakatapat niya sina L.A. Escobar, Baron Angeles, at Trish Bonilla.

Sa kanyang pagkapanalo, naging emosyonal si Julius lalo na't ito ang kanyang pagbabalik sa kompetisyon matapos noong huling season.

"Maraming, maraming salamat. Sa 'Tanghalan ng Kampeon,' salamat sa tiwala na ako nakabalik para ma-redeem ko kung ano 'yung nawala sa akin. Noong unang pagsali ko kasi medyo na-trauma ako and sabi ko baka hindi pa ang panahon. Naniwala ako, nagdasal ako sana ito na iyon," pahayag ni Julius.

Sa huli, sinamahan ng fans si Julius on stage at naging emosyonal din sa pagkapanalo ng kanilang idolo.

Patuloy na subaybayan ang TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang TiktoClock sa GMA Network YouTube channel at TiktoClock Facebook page.

Balikan ang pagkapanalo ni Julius Cawaling, dito: