GMA Logo Brent Valdez
What's on TV

Brent Valdez, naghanap ng ka-date pagkatapos ng kaniyang breakup

By Maine Aquino
Published May 20, 2025 3:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

High-profile drug suspect arrested in Iloilo; P6.12M alleged shabu confiscated
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion

Article Inside Page


Showbiz News

Brent Valdez


Pagkatapos ng ilang buwan ay ready na ulit si Brent Valdez na maghanap ng kaniyang "the one."

Si Brent Valdez na kaka-break lang three months ago sa ex-girlfriend ang kiligspector na napanood sa "Love Under Cover" ng TiktoClock.

Ayon kay Brent, sila ay "hindi nagkaintindihan." Ito ang dahilan kaya raw nauwi sila sa hiwalayan ng kaniyang dating karelasyon. Saad pa ni Brent, isang taon din silang naging magkarelasyon ng kaniyang ex.

Sa kaniyang pagsabak sa "Love Under Cover" ay ikinuwento ni Brent kung bakit mahalaga na ipakita ng mga Cover Girls ang kanilang mga personality.


"Maging authentic lang kayo. Magsa-shine kayo kapag ipinakita ninyo ang tunay na kayo."

Sa huli ay napili ni Brent ang ikaapat na Cover Girl na si Isabel Dawson. Balikan ang nakakakilig na episode ng "Love Under Cover" dito:


RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Get to know singer-actor Brent Valdez

Sa mga nais na maka-date ang inyong mga celebrity crush tulad ni Brent, sali na sa "Love Under Cover" sa TiktoClock. Panoorin ito para sa kabuuang detalye.


Patuloy na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes 11:00 am sa GMA Network.