
Muling bibigyan ng pagkakataon na mag-audition ang mga singing champions mula sa Japan para sa Tanghalan ng Kampeon Japan.
Sa darating na June 8, gaganapin ang bagong caravan audition ng Tanghalan ng Kampeon Japan. Sa araw na ito ay inaasahang magpapakita ng galing ang mga mahuhusay sa kantahan sa Chiba.
Ang tatanghaling pinakamahusay sa kantahan sa Tanghalan ng Kampeon Japan ay makakapunta sa Pilipinas para maging grand finalist sa Tanghalan ng Kampeon 2025 sa TiktoClock.
Ang Tanghalan ng Kampeon Japan caravan audition ay gaganapin ngayong June 8, simula ng 1:00 p.m. hanggang 6:00 p.m. Bukas ito para sa iba't ibang nationalities edad 16 to 50 years old.
Narito ang ilang detalye ng Tanghalan ng Kampeon Japan audition caravan sa June 8:
TANGHALAN NG KAMPEON JAPAN GOES TO CHIBA!
Who will rise as the next Kampeon?
Adobo Restobar: Chiba-shi, Chuo-ku, Sakaecho 26-9
June 8, 2025 (Sunday)
1:00 p.m. - 6:00 p.m.
Don't miss this exciting showdown of singing champions in the heart of Chiba!
Sali na sa Tanghalan ng Kampeon audition caravan sa Japan para ipakita ang pangkampeon na talento sa Tanghalan ng Kampeon 2025 sa TiktoClock!
Samantala, patuloy na manood ng TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 AM sa GMA.
BALIKAN ANG CONTRACT SIGNING NG GMA NETWORK AT STAR STUDIO JAPAN PARA SA TANGHALAN NG KAMPEON JAPAN: