GMA Logo Hamon ng Kampeon
What's on TV

Daryl Ong, Jessica Villarubin, Renz Verano, nag-react sa 'Hamon ng Kampeon'

By Maine Aquino
Published June 5, 2025 6:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Express: December 25, 2025 [HD]
Cop in CDO nabbed for indiscriminate firing on Christmas Day
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Hamon ng Kampeon


Balikan ang twist sa Tanghalan ng Kampeon na "Hamon ng Kampeon."

Ginanap na ang hindi inaasahang twist sa Tanghalan ng Kampeon 2025 sa TiktoClock. Ito ay ang "Hamon ng Kampeon".

Sa "Hamon ng Kampeon" ay kinakailangan kalabanin ng aspiring grand finalist na si Justin Herradura ang mapipili niya sa mga grand finalists ng "Tanghalan ng Kampeon 2025". Sa "Hamon ng Kampeon" ay nagbalik sina LA Escobar, Baron Angeles, Trish Bonilla, Julius Cawaling, at Gia Vecino para ilaban ang kanilang spot sa grand finals.

Ang napili ni Justin sa one-on-one bakbakan ay si LA.

A post shared by TiktoClock (@tiktoclockgma)

A post shared by TiktoClock (@tiktoclockgma)

Kuwento ng inampalan na si Daryl Ong sa "Hamon ng Kampeon", "Ibang level ng pressure 'yan. Even 'yung nasa lima na ngayon, suddenly hindi sila puwedeng maging complacent. Suddenly may threat sa posisyon nila."

Inamin ng inampalan na si Jessica Villarubin kung saan siya na-excite sa twist na ito.

"Ang na-excite ako kung sino 'yung kakalabanin ni Justin sa ating mga grand finalists kasi alam naman natin na ang ating mga grand finalists ay napakagaling."

A post shared by TiktoClock (@tiktoclockgma)


Samantala, ang inampalan na si Renz Verano ay sinabing nahirapan sila sa pagpili kina Justin at LA.

"Medyo mahirap magdecide kapag mga grand finalists na."

Paliwanag pa ng OPM hitmaker ang naging basehan nila sa pagpili sa "Hamon ng Kampeon".

"Isang factor na nagbigay sa amin ng final decision 'yung hindi siya naapektuhan doon sa pressure nung laban kasi magandang aspeto 'yan kapag sumasali ka sa isang contest lalong-lalo na ngayon dahil may twist na tayo. Yung kanilang versatility pareho ay isang factor din kaya lang mas malaking factor yung hindi ka nalamangan o nagpatalo sa iyong kaba."

Balikan ang mga naganap sa "Hamon ng Kampeon" dito:

Samantala, basahin ang detalye sa mga nais mag-audition sa "Tanghalan ng Kampeon" Japan ngayong June 8.

Subaybayan ang patuloy na pagdiskubre ng mga Pilipinong may pusong kampeon sa "Tanghalan ng Kampeon 2025" sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes 11:00 a.m. sa GMA.