TV

Rabiya Mateo, napahanga sa mga nadiskubre kina Kuya Kim Atienza at Pokwang

By Maine Aquino

Inamin ni Rabiya Mateo na dahil sa TiktoClock ay nadiskubre niya ang kabaitan at pagiging professional nina Kuya Kim Atienza at Pokwang.

Ikinuwento ito ng Miss Universe Philippines 2020 at new Kapuso host sa ginanap na online media conference ng new variety show ng GMA Network na TiktoClock.

Pagbabahagi ni Rabiya sa entertainment writers nitong July 12, si Kuya Kim ay inakala niya na serious ang personality. Dahil sa kanilang bonding sa TiktoClock ay nakita raw ni Rabiya ang funny side ni Kuya Kim.

"Si Kuya Kim, dahil sa News siya, akala ko masyadong stiff 'yung personality. However, sa dressing room talaga siya pa ang nagbabangka-bangka minsan ng tsismis," natatawang biro ni Rabiya.

Dagdag pa niya, saksi rin siya sa kabaitan ni Kuya Kim.

"Si Kuya Kim, napakabait niya talaga. And sabi ko nga hindi ko lang siya workmate, churchmate ko din po siya."

Pagdating naman sa kanyang "mamang" Pokwang, takot daw si Rabiya na magkamali noong umpisa dahil sa experience ng Kapuso comedian sa showbiz.

Pag-amin ni Rabiya, "Parang dati takot ako magkamali, kasi I know napakatagal niya na po sa industriya."

Ngunit napalitan daw ang takot ni Rabiya dahil nakita niya ang pagiging maalaga ni Pokwang sa kanya.

"Si Mamang nandoon talaga 'yung touch ng pagiging nanay. Hindi talaga maiiwasan.

"For example kaunting masama lang 'yung pakiramdam, anak gusto mo [ng] gamot? May gamot dito. O magdadala ako ng pagkain bukas."

Dahil sa mga nakita at na-experience ni Rabiya ay lalo siyang humanga kina Kuya Kim at Pokwang.

"Mas na-prove ko na kahit sobrang tagal na nila sa industriya, nandoon pa rin po 'yung puso sa kung ano man ang ginagawa nila ngayon.

Abangan sina Kuya Kim, Pokwang, at Rabiya sa TiktoClock simula July 25, 11:15 a.m. sa GMA Network.

TINGNAN ANG STUNNING PHOTOS NG 'TIKTOCLOCK' HOST NA SI RABIYA RITO: