TV

Kuya Kim Atienza, hiniling 12 years ago na makatrabaho si Pokwang

By Maine Aquino

Puno ng pasasalamat si Kuya Kim Atienza dahil natupad na ang matagal na niyang hiling na makatrabaho si Pokwang.

Sa ginanap na mediacon ng one-of-a-kind variety show nina Kuya Kim, Pokwang at Rabiya Mateo na TiktoClock, ikinuwento ni Kuya Kim kung kailan nagsimula ang hiling niya na magkasama sila sa isang proyekto ni Pokwang.

Photo source: TiktoClock

Ayon kay Kuya Kim, 12 years ago, noong Kapamilya pa sila ni Pokwang ay hiniling niya na sana'y maging co-hosts sila sa isang project.

Pag-amin ng TiktoClock host, "I wish I had a show with Pokwang, and I wish I had a game show or a variety show with Pokwang. It's always been my wish."

Saad pa ni Kuya Kim ay masaya siya na ngayong nasa GMA Network na sila pareho ni Pokwang ay natupad na ang kaniyang hiling at may kasama pa silang beauty queen co-host na si Rabiya.

"Itong 12 years na dumaan, na ibinigay sa amin ng GMA itong ganitong pagkakataon, natupad. Sabi ko wow, natupad na, at may bonus pa nandito pa si Rabiya."

Dagdag pa ni Kuya Kim, nagpapasalamat siya sa tiwala ng GMA Network.

"Ang tiwala sa amin ni Pokwang ng GMA ganoon na lang e. Kasi binigyan kami ng daily show na prime morning."

Ipinaliwanag din ni Kuya Kim sa entertainment writers kung bakit gustong-gusto niya makatrabaho at hinahangaan si Pokwang.

Ani Kuya Kim, "Gusto ko 'yung humor niya, 'yung kabilisan ng humor niya. Gusto ko 'yung out of the wall humor niya. Matagal na akong tagahanga ni Pokwang."

Dugtong pa niya, masaya rin siya na mas nakikilala niya si Pokwang at nakikita niya ang magagandang katangian nito.

"Ngayon nakikilala ko si Pokwang bilang kaibigan kasi we work together now and I can see the caring side of Pokwang. Napaka-nanay nito, napakamaalaga.

"Gustong-gusto niya papakainin ka, kung ano meron siya gustong ibigay sa 'yo. So very caring."

Abangan sina Kuya Kim, Pokwang, at Rabiya sa TiktoClock simula ngayong July 25, 11:15 a.m. sa GMA Network.

TINGNAN ANG PHOTOS NG TIKTOCLOCK HOSTS NA SINA KUYA KIM ATIENZA, POKWANG, AT RABIYA MATEO: