TV

'TiktoClock,' patuloy na tinututukan ng Kapuso viewers!

By Maine Aquino

Winner ang pagbabahagi ng happiness ng TiktoClock ngayong Agosto sa Kapuso viewers!

Nag-uumapaw ang pasasalamat ng TiktoClock dahil sa patuloy na suporta at pagtanggap ng mga manonood sa programa. Nitong August 1 at August 4 ay umani ng 3.9 at 4.2 percent rating ang episode ng TiktoClock ayon sa NUTAM People Ratings.

PHOTO SOURCE: TiktoClock

Tampok sa episodes ngayong unang linggo ng Agosto ang fun segments na inaabangan ng mga Tiktropa tulad ng "Hale-Hale Hoy," "Oras Mo Na," "Taympers," at "Dance Raffle."

Patuloy na tumutok sa happiness na hatid nina Kuya Kim Atienza, Pokwang, at Rabiya Mateo sa TiktoClock, Monday to Friday, 11:15 a.m. bago mag-Eat Bulaga.

KILALANIN ANG ATING TIKTROPA NA SINA POKWANG, KUYA KIM, AT RABIYA: