TV

Carla Abellana, pinuri ang co-stars na sina Max Collins at Rocco Nacino sa 'To Have and To Hold'

By Aimee Anoc

Pinuri ni Carla Abellana ang co-stars na sina Max Collins at Rocco Nacino sa mahusay na pagganap sa kanilang mga karakter sa upcoming series na To Have and To Hold.

Sa naganap na Pinoy Abroad Fun Connect sa GMA Pinoy TV para sa casts ng To Have and To Hold, ibinahagi ni Carla kung gaano siya kasaya na nakatrabaho sina Max at Rocco.

Una nang nakatrabaho ni Carla si Rocco noong 2018 sa Pamilya Roces.

"I already work with Rocco like he mentioned (Pamilya Roces). Pero iba naman talaga rito si Rocco sa To Have and To Hold. Nag-grow talaga siya, nag-mature siya in a good way," pagbabahagi ni Carla.

"Napakabigat ng role na Gavin sa To Have and To Hold and napanindigan 'yun ni Rocco. Grabe 'yung pressure, of course, pero he handled it well. Na-enjoy ko na makatrabaho siya ulit," dagdag pa nito.

Ibinahagi rin ni Carla kung gaano kahusay si Rocco sa mga eksena nito.

"'Yan ang isa sa magugulat ka na kahit mabigat ang mga eksena niya, may mga times na bago siya papasok... bago siya makukuhanan ng kamera tumatawa pa 'yan, tapos biglang galit na naman siya 'pag action," ayon sa aktres.

Samantala, sa serye namang ito unang makakatrabaho ni Carla si Max.

"I love working with her. Napakagaling na artista. Madadala ka sa eksena talaga kapag kaeksena mo siya. She has so much passion. She's dedicated to her role," sabi ni Carla.

"And may times din na you'll be surprised kasi calm lang siya pero 'pag action na grabe nag-build up pala siya that whole time. Nag-prepare siya nang husto for the scene kaya talagang ang galing because all in the eyes kitang-kita mo na madadala ka talaga."

"And I'm super, super happy. Walang reklamo, walang anything. Game siya for anything. Wow, very professional. Very happy ako na naka-work ko silang dalawa," dagdaga pa niya.

Abangan kung paano ang buhay nina Erica (Carla Abellana), Gavin (Rocco Nacino), at Dominque (Max Collins) ay pagtatagpuin ng tadhana sa To Have and To Hold.

Samantala, tignan sa gallery sa ibaba ang lock-in taping ng cast ng To Have and To Hold.