TV

Bakit natakot si Rocco Nacino nang mabasa ang script ng 'To Have And To Hold?'

By Aedrianne Acar

Tumatak sa isipan at puso agad ni Rocco Nacino ang story plot ng pinakabago niyang primetime series na To Have And To Hold.

Bibida si Rocco bilang chef na si Gavin at misis niya sa serye si Max Collins na isang interior designer. Mapapabilib din ang televiewers sa husay ni Carla Abellana na gaganap naman na Erica.

Aminado si Rocco na nakaramdam siya ng takot nang mabasa for the first-time ang script ng soap.

Saad niya, “Unang beses ko nabasa 'yung script, natakot ako e, kasi bagong kasal ako tapos biglang nasa stage tayo ng troubled marriage.”

Biro pa nito, “Sabi ko, 'ma-traumatize ba ako sa kasal pagkatapos nito?'”

Catch Rocco Nacino as Gavin in 'To Have And To Hold,' which will have its grand premiere this coming September 27

Pinuri naman ni Rocco ang kapareha niya sa To Have And To Hold na si Max Collins na todo sa pagganap bilang Dominique.

Obserbasyon ng Kapuso actor kay Max, “Grabe siya magbigay ng scene (Max Collins). I have so much fun playing her husband nagdi-dive siya into the character. Ang ganda ng batuhan namin. It was a wonderful experience.”

Heto ang ilan sa memorable moments sa lock-in taping ng cast sa Bataan sa gallery sa ibaba.