TV

'To Have And To Hold' viewers, pinagbotohan kung sino kina Dom at Erica ang dapat piliin ni Gavin

By Aedrianne Acar

Matutuldukan na ang mga tanong ng ating mga Kapuso kung sino kina Dominique (Max Collins) at Erica (Carla Abellana) ang magiging “the one” for Gavin (Rocco Nacino) sa To Have And To Hold.

Simula nang umere ang primetime series noong Seytembre, mainit na pinagdedebatehan kung dapat bang bigyan ni Gavin ng second chance si Dom, na lubos na nagsisisi sa pagtataksil niya.

Idagdag pa na ipinagbubuntis niya ang anak nila ni Gavin.

Samantala, masidhi rin ang pagnanais ng fans ni Erica na mahanap ang kanyang happiness sa piling ni Gavin, na nagparamdam sa kanya na maaari siyang magmahal at mahalin muli.

Kaya ilang Linggo na ang nakararaan nang tanungin ang To Have And To Hold viewers kung sino sa dalawa ang pipiliin ni Gavin sa huli.

Base sa resulta ng poll mula December 9 to 16, makikita na lamang ang may gusto na magkabalikan sina Gavin at Dom.

Heto naman ang ilang reaksyon ng mga netizen tungkol sa survey.

Source: GMA Drama (FB)

Mamayang gabi, tila makahulugan ang teaser plug para sa huling Huwebes ng To Have And To Hold dahil tagos sa puso ang mga salitang, “Each time we choose a path, there is another that must be abandoned.”

Senyales ba ito na malalaman na kung #TeamDom all the way or #TeamErica for the win?

Silipin ang mga aabangan eksena ngayong gabi!

Walang bibitaw at tutukan ang finale episode ng To Have And To Hold bukas ng gabi, pagkatapos ng The World Between Us.